Dalawang post sa isang araw, inspired ata ako ngayon at hindi na tinotopak. Parang battery ng cellphone, nacharge pagkatapos malowbat. Feeling ko lang nagkatotoo ata yung horoscope ko, kakaibang positive energy daw ang makukuha ko today, and yah eto na na nga yun.

Minsan naiisip ko tama bang naniniwala tayo sa mga ganitong bagay? Star signs, zodiac signs, horoscope, whatever you call it. Sabi kase sa bible, masama daw na naniniwala tayo sa mga predictions and false proclamations na gawa ng mga tao. Yet, madami pa din naniniwala, nagbabasa ng horoscope… Kasama na ako dun. Hindi ko alam pero para siyang guide sa akin eh, kung anung mangyayari, kung paano ako kikilos and all that.

Nabanggit na lamang din ang mga stars, alam nyo bang hobby ko din magstar gazing. Open area kase yung bahay namin. Hindi yung bahay namin ang open ah.. Ung area ang open. Anyways, oo gustong-gusto ko talagang magstargazing. Ewan ko kahit nung bata pa ako, iba kase ung feeling eh, lalo na kapag masarap ang hangin, ung sakto lang, hindi maxadong mahangin, at hindi maxadong maalinsangan. Dati nga hindi ko alam kung nasaan ang big dipper at small dipper, ngayon alam ko na. Nakakita na din ako ng falling star, ilang beses na..at tuwing nakakakita ako, syempre nagmamadali akong magwish kaso sa bilis ng falling star at sa haba ng wish ko, dpa ako tapos magwish wala na yung falling star. Kaya siguro hindi natutupad yung mga wish ko kase nawawala na yung star di pa ako tapos. May isang pagkakataon, nakakita ako ulet ng falling star, alam kong mabilis ulet yun kaya iniksihan ko na yung wish ko, World Peace! Lol

Going back sa mga stars, Stars symbolizes my dreams. Ang hirap abutin pero masarap tingnan. Stars symbolizes ung lolo at lola ko na nasa heaven na. Actually 2 stars yun na magkadikit malapit sa buwan. Kapag malungkot ako and feeling emo, kinakausap ko pa yan habang nagcrycry to death. Naadopt ko yan sa panunuod ng mga drama. Kung anu-anong drama sa buhay.

Sabi ko kanina ung mga stars ngsysymbolize ng dreams ko, and lately naisip ko, ituloy ko na kaya yung isang pangarap ko? Ung pagsulat ko ng libro, Para kay Bob Ong, actually, may naisulat na akong next paragraph after nung una, and in time habang wala pa akong work dun na muna ako magfofocus, at kapag may work na ako at tapos ko na xang isulat tsaka ko xa papaprint.

Hihi, natatawa ako, kase nakikita ko na yung libro ko sa isa sa mga stars dun sa langit.

Close na to though ang dami ko pang gustong ishare. Ang lamig kase sarap matulog. Goodnyt everyone! 🙂

Advertisements