She Writes

inspirations. transformations. life experiences.

Crazy Lil Days at Office — September 21, 2012

Crazy Lil Days at Office

This is what typically happens when you mixed work with fun!!!!

lian on call trying to close a deal!! hehehe
starting to feel the nerve.. after an hour being on the phone the client rejects her offer

So since we are her workmates Co Friend… we are here to Cheer her Up, and this is what Happens:

Here’s the Evil Plan
Hurray!
starting to laugh
LAUGHING

And The story ends here

lol
Advertisements
Diary ng Isang Badtrip. — November 9, 2011

Diary ng Isang Badtrip.

Wala talaga ako sa mood magsulat ngayon, naka-tatlong drafts na ako pero ni isa wala akong matapos-tapos. Badtrip kase ako eh’ kaya siguro hindi ako makapagisip. Kailangan ba lahat pinagiisipan, hindi ba pwedeng kahit minsan sa buhay natin, kumilos tayo ng hindi nagiisip?

Mahirap din ata ang iniisip ko, kase kahit na anung mangyayari magiisip ka pa din, kung anung susunod mong sasabihin, kung anong susunod mong gagawin, kung next line ba, period o comma.

Siguradong nagtataka ka kung bakit tagalog ang post ko ngayon? Dahil siguro badtrip ako, hindi ako makapagisip at Oo hirap akong mag Ingles. Ganun talaga. Pwede bang mabadtrip ka ng walang dahilan? Malamang hindi, kase lahat naman ng bagay sa mundo may dahilan. Maraming dahilan. Kung bakit ganito at bakit ganyan ang nangyayari ay may kadahilanan. Kahit nga simpleng pagutot may dahilan.

Napaguusapan na din ang pag utot, alam nyo ba na ang utot ay may tatlong kulay? Joke to ng classmate ko nuong grade 4 ako na hanggang ngayon hindi ko makalimot-kalimutan. Ang sabi nya 3 daw ang kulay ng utot, isang brown, isang blue at isuspense natin ang panghuli.. Bakit blue?
Nasubukan mo na bang umutot sa tubig, halimbawa nasa swimming pool ka or sa beach, hindi ba’t ang tunog ng utot mo ay:
Blo- blo- blo- bloh
🙂

Eto, bakit brown?
Para to sa mga umuutot ng hindi nila mapigilan at kadalasan eh napapapalakas na parang kulog…
Brøwnnnn!!!
*corny*

Last at ang finale, marahil kaisa ka din sa mga nagpalabas ng hangin na ito. Sinubukan mo bang pigilin at ipitin?? Hahaha Resulta?
Piiiiiiinnnnnkkkkk!!!

Nakakatawa, hindi ba? Naku, wag mong pigilin ang tawa mo baka mautot ka. Feeling Bob Ong na naman ako, ganito ba talaga ang badtrip kung anu-ano ang naiisip?
*pause*

For comments and suggestions:
Nairita ka ba sa nabasa mo? Comment ka na lang sa baba.

Habang tinatype ko to’, napatingin ako sa christmas tree namin, Oo meron na, 15ft kasama na yung mesa na pinapatayuhan namin. Blue daw motif namin ngayon. Dati kase red and gold ngayon Blue and silver daw. Ewan ko ba, si ate ang may pakana ng lahat.. Nagtataka nga din ako kung bakit kelangan pa na may motif, yun nga yung pangatlong draft ko na di natapos, Does christmas go with colors?
🙂

Under our christmas tree, meron palang Lil drummer boy, ang drummer nga lang si Winnie the Pooh.. Teka, anu nga ba ang gender ni WtP? Male or Female?

Speaking of gender, hindi ba mas appropriate syang gamitin instead of sex esp. Sa mga forms na kadalasan natin finifill upon.

Minsan kase may nakasabayan akong lalaki sa campus, nagfifillup ng plotting form, pagdating dun sa sex, sinulat nya, yes, 3x a day…

Parang porkchop duo lang dating ng mga jowks ko ah, pero di bale na. Matatapos na din tong post nato. Badtrip pa din ako pero dina gaano.

Happy reading!